ANG TEKNOLOHIYA AT PANDEMYA

Sa panahon ngayon marami ang nabago dahil sa pandemyang hindi inaasahan. Kung dati ay sa paaralan ka pumapasok, ngayon ay sa bahay iikot ang mundo mo. Ang bahay na rin ang nag sisilbing silid-aralan.

Pero dahil na rin sa Internet, napakadaling magkaroon ng interaksyon. Hindi lang sa lugar mo o sa bansa mo, kundi sa buong mundo. Kaya dahil sa teknolohiya na ito mas madaling magbigay ng mensahe sa ibang tao. Mas madaling ipahayag o ilathala ang saloobin ng isang tao. Sa isang pamayanan mas madali nilang ipakita sa buong mundo kung bakit dapat sila puntahan ng turismo.

Ang natatanging kayamanan o atraksyon sa isang lugar ay madaling maipakita dahil sa Internet. Ang turismo ay isang magandang paraan para umunlad ang isang pamayanan. Pero ang isang hamon, paano ba makikilala ang isang lugar ng ibang tao? Dito na lumalabas ang pagkamalikhain ng isang tao. Kung papaano n’ya ihahatid o ipaparating sa ibang panig ng mundo ang kagandahan ng isang lugar. Ang Internet o ang hatirang pang madla (social media) ay isang magandang platform, na kung saan maipapakita mo kung gaano kaganda ang isang lugar. Kung ano ang makikita nila o kung paano magiging sulit ang oras nila pag sila ay pumunta.


Ang social media ang madalas na basehan ng ibang tao kung gaano kaganda ang isang lugar. Dahil karamihan sa atin ay nagbabasa ng pagsusuri o review ng ibang tao na nakarating na sa nasabing lugar.

Ang Guiuan ay isang magandang lugar sa Eastern Samar o sa Pilipinas. Ang simbahan na itinayo pa ng mga Kastila noong “15th century” ay isang magandang atraksyon. Ang landmark o palatandaan ni Magellan sa Homonhon ay isa sa mga importanteng kasaysayan ng bansa. Maliban dito ang Guiuan ay maraming magagandang isla sa sinuman na gustong mag “island hopping”.

Mayaman rin tayo sa iba’t ibang uri ng isda para sa mga turistang mahilig mag “fishing” o makaranas mamingwit ng isda.

Kaya sa inyo po na nagbabasa ng blog na ito, hanapin nyo na po ang Guiuan Eastern Samar sa Google at i-explore ang kagandahan nito. Siguradong masisiyahan kayo sa ganda ng lugar. Tara na!


Comments

  1. Maganda ba talaga ang Guiuan? Pwede bang mag surfing dyan?

    ReplyDelete
  2. Sana mawala na ang pandemya para hindi na matakot mamasyal ang mga tao..








    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

SASEMA GUIUAN DELICACY