ANG TEKNOLOHIYA AT PANDEMYA
Sa
panahon ngayon marami ang nabago dahil sa pandemyang hindi inaasahan. Kung dati
ay sa paaralan ka pumapasok, ngayon ay sa bahay iikot ang mundo mo. Ang bahay
na rin ang nag sisilbing silid-aralan.
Pero
dahil na rin sa Internet, napakadaling magkaroon ng interaksyon. Hindi lang sa
lugar mo o sa bansa mo, kundi sa buong mundo. Kaya dahil sa teknolohiya na ito
mas madaling magbigay ng mensahe sa ibang tao. Mas madaling ipahayag o ilathala
ang saloobin ng isang tao. Sa isang pamayanan mas madali nilang ipakita sa
buong mundo kung bakit dapat sila puntahan ng turismo.
Ang
natatanging kayamanan o atraksyon sa isang lugar ay madaling maipakita dahil sa
Internet. Ang turismo ay isang magandang paraan para umunlad ang isang pamayanan.
Pero ang isang hamon, paano ba makikilala ang isang lugar ng ibang tao? Dito na
lumalabas ang pagkamalikhain ng isang tao. Kung papaano n’ya ihahatid o
ipaparating sa ibang panig ng mundo ang kagandahan ng isang lugar. Ang Internet
o ang hatirang pang madla (social media) ay isang magandang platform, na kung
saan maipapakita mo kung gaano kaganda ang isang lugar. Kung ano ang makikita
nila o kung paano magiging sulit ang oras nila pag sila ay pumunta.
Ang social media ang madalas na basehan ng ibang tao kung gaano kaganda ang
isang lugar. Dahil karamihan sa atin ay nagbabasa ng pagsusuri o review ng
ibang tao na nakarating na sa nasabing lugar.
Ang
Guiuan ay isang magandang lugar sa Eastern Samar o sa Pilipinas. Ang simbahan
na itinayo pa ng mga Kastila noong “15th century” ay isang magandang
atraksyon. Ang landmark o palatandaan ni Magellan sa Homonhon ay isa sa mga
importanteng kasaysayan ng bansa. Maliban dito ang Guiuan ay maraming magagandang
isla sa sinuman na gustong mag “island hopping”.
Mayaman
rin tayo sa iba’t ibang uri ng isda para sa mga turistang mahilig mag “fishing”
o makaranas mamingwit ng isda.
Kaya
sa inyo po na nagbabasa ng blog na ito, hanapin nyo na po ang Guiuan Eastern
Samar sa Google at i-explore ang kagandahan nito. Siguradong masisiyahan kayo
sa ganda ng lugar. Tara na!
Maganda ba talaga ang Guiuan? Pwede bang mag surfing dyan?
ReplyDeleteSana mawala na ang pandemya para hindi na matakot mamasyal ang mga tao..
ReplyDelete