Sa panahon ngayon marami ang nabago dahil sa pandemyang hindi inaasahan. Kung dati ay sa paaralan ka pumapasok, ngayon ay sa bahay iikot ang mundo mo. Ang bahay na rin ang nag sisilbing silid-aralan. Pero dahil na rin sa Internet, napakadaling magkaroon ng interaksyon. Hindi lang sa lugar mo o sa bansa mo, kundi sa buong mundo. Kaya dahil sa teknolohiya na ito mas madaling magbigay ng mensahe sa ibang tao. Mas madaling ipahayag o ilathala ang saloobin ng isang tao. Sa isang pamayanan mas madali nilang ipakita sa buong mundo kung bakit dapat sila puntahan ng turismo. Ang natatanging kayamanan o atraksyon sa isang lugar ay madaling maipakita dahil sa Internet. Ang turismo ay isang magandang paraan para umunlad ang isang pamayanan. Pero ang isang hamon, paano ba makikilala ang isang lugar ng ibang tao? Dito na lumalabas ang pagkamalikhain ng isang tao. Kung papaano n’ya ihahatid o ipaparating sa ibang panig ng mundo ang kagandahan ng isang lugar. Ang Internet o ang hatirang pang madla...